Thursday, November 29, 2007
Blogger's Code of Conduct #5
Magusap nalang sa ibang paraan - na hinding online - halimbawa sa telepono.
Blogger's Code of Conduct #1
Responsable ka dapat para sa anong sinasabi mo, at sa mga "comments" na ipinapahayag mo sa iyong blog.
Sunday, November 25, 2007
Mackie
Sa tingin ko, isang magandang imbensiyon ang blogging. Siyempre, kagaya ng lahat ng bagay, lalung-lalo na sa teknolohiya, na naiimbento, may masamang parte rin ang blogging. Pero kapag blogging ang pinaguusapan, mas maraming magandang features siya kaysa sa masama. Ito ay magagamit at magamit, pati pagtapos ng century kung kailan inimbento siya.
Monique
Mahilig ako mag-blog. Pero di pumasok sa isip ko kung meron bang masamang epekto nito. Bilang risertser naging mas malawak ang kaalaman ko tungol sa blogging lalo na ang mga negatibong epekto nito.
Maria
Sa tingin ko, ang blogging ay magandang ideya para sa mga tao na mayroong gustong ipahayag ng kanilang mga pinagiisipan, sketches o mga pinaguusapan. Ang blogging rin ay pwedeng maging delikado dahil sa mga personal na impormasyon na napopost sa Internet, kaya kailangan mag ingat yung mga bloggers sa content ng kanilang blogs. Maganda rin ang blogging sa mga kaibigan na nakatira sa ibang bansa, dahil pwede rin itong gawing means of communication. Sa lahat lahat, mabuting imbento ang blogging dahil maraming nakikilalang taong mga kapareho ang mga interests at makakapag-share ang mga tao na ito sa iba.
Crystal
Bilang isang paraan ng pakikipag-kominikasyon sa iba’t-ibang tao, malaki ang naitutulong ng blogging sa modernong panahon. Hindi lamang kabataan ang marurunong at gumagamit ng blogs, kundi pati narin ang mga entrepreneurs na walang puhunan at bilang (paraan) ng pagkuha ng impormasyon tungkol sa sari-saring mga topik. Sa pamamagitan ng mga blogs, kahit sinong tao ay pwede kang maabot, at dahil and blogging ay personal, at makokontrol mo kung sino ang makakabasa, maaaring ilabas at ipahayag ang kahit anong damdaming nadarama. Dapat lang na mag-ingat ang mga taong gumagamit ng mga blog dahil hindi ito 100% ligtas.
Wednesday, November 21, 2007
Subscribe to:
Comments (Atom)